Monday, March 26, 2007

dumadaldal lang

Yehey! Bukas, maglalasing na naman ako... este iinom ako. Mapagpilit kasi itong isa kong kaibigan e. Dyok lang. Ako talaga ang mapagpilit. Pero kung tutuusin, matagal ko na rin naman silang hindi nakasama e so pwede na. Iinom kami pagkatapos ko gawin ang aking pagsusulit sa Espanyol. iQue barbaridad!

Sa miyerkules at huwebes, malamang lalabas na naman ako. Parang hindi finals week ha. Sige lang... kapag hindi mataas ang greyds ko malalagot ako. Hahahaha. Sana hindi ako maubusan ng pera diba. Labas kasi ng labas tapos malapit na ang summer. Ang galing ko. Buti na lang talaga may sammer classes.

157 nga pala ang random namber ko. Masaya na ako dun dahil hindi ako ganun kalayo. Saka asa pa na may kaagaw ako sa mga klase ko. biochemistry? bio thesis? political science? siguro polsci meron pa... pero aasa lang ako sa biochem at bio thesis. Maski ako isusuka ko 'yung dalawang sabdyek na 'yan e kung hindi lang rekwayrd. Nakalimutan ko sabihin, naging iba na ang thesis partner ko... hindi na si Karen at Ann. Si Gel na. Hehehe.

No comments: