Pumunta ako kanina sa Ateneo ng maaga para mag-aral para sa pagsusulit ko sa History. Aba... manigas-nigas ako sa loob ng library sa kababasa ng libro na walang kwenta. Hiniram ko pa 'yun pero mukhang 'di naman yata nadagdagan ang aking talino. Parang nabobo lang ako sa kababasa. Tae. Dahil nga nabobo ako, at ayaw kong matuluyan ako, nagpasya na lamang ako na kunin ang aking eksam permit. Anak ng tinapay! Ang haba ng pila... kaya napaisip ako at sinabi sa sarili na dapat dati ko pa kinuha. Aktwali, hindi ako nagisip habang papunta sa dulo ng pila (nag-isip ako ng nasa pila na ako). Nakasalubong ko kasi ang aking kaibigang si Mac na tinawanan pa ako nang makarating ako sa dulo ng pila. Thank you... naapreciate ko 'yun. Haha.
So naghintay ako 'dun ng tatlumpung minuto pero 'di ko rin nakuha ang eksam permit ko dahil maleleyt na ako para sa aking pagsusulit. Nakakaasar. Buti na lamang, hindi ako hiningian ng exam permit ng aking mataray na guro. Mataray na nga, ang taas pa ng kilay. Ma'am, easy lang po... masaya ang buhay. Eniwey, madali ang pagsusulit ngunit dahil mataray ang teacher ko at mukhang ayaw niya ako... mukhang mababa pa rin ang aking marka kahit anong dali nito. Parang kahit multiple choice, sasabihin niya na hindi perpekto ang pagbilog ko sa letra ng tamang sagot. Epal.
Bukas naman, may pagsusulit ako sa Espanyol. Ano ba?! Sawang-sawa na ako dito sa asignaturang ito. Pero sa totoo lang, marami akong natutunan. Kung kausapin mo ako ngayon sa Espanyol malamang ay... tutunganga ako at maglalaway lang dahil hindi kita maintindihan. Dyok lang. Mayroon naman akong alam kahit konti, ang dami ko yatang natutunan sa guro ko, lalo na ang magluto ng 'tortilla de espanya' na sa totoo lang ay itlog na may patatas at sibuyas. Galing.
Monday, March 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment